Duterte: Mga bangag na biktima ng karahasan di dapat tanggapin sa DOH hospitals

By Chona Yu January 29, 2019 - 07:47 PM

Inquirer file photo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque na huwag nang tanggapin sa mga pampublikong ospital ang mga drug addict na sangkot sa saksakan o barilan sa mga lansangan.

Sa talumpati ng pangulo sa groundbreaking ceremony ng bagong San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Barangay Panghulo sa Malabon city, sinabi nito na hayaan na lamang ang mga drug addict na magdusa.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na itapon na lamang sa daan ang mga sugatang drug addict.

Una nang sinabi ng pangulo na wala na rin siyang balak na pakainin ng kanin ang mga nahuling drug addict sa halip ay bibigyan na lamang niya ng shabu.

Sinabi pa ni Duterte na noon pa siya nananawagan na magbago na ang mga drug addict kaya panahon na para bigyan ng leksyon ang mga ito.

TAGS: addict, doh, duque, duterte, Illegal Drugs, shabu, addict, doh, duque, duterte, Illegal Drugs, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.