Davao Occidental nilindol

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang malaking bahagi ng Sarangani at Davao Occidental kaninang tanghali.

Base sa monitoring ng Philvocs, naitala ang pagyanig ganap na 1:26 ng tanghali at natagpuan ang epicenter nito sa 22 kilometers Silangan ng bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Bagaman may kalakasan ang pagyanig ay wala namang naiulat na napinsala ang lindol dahil may lalim ito na 123 kilometro.

Tectonic ang origin ng pagyanig at asahan ang mga aftershocks ayon pa sa Philvocs.

Read more...