“I’m ordering you now: Pulbusin ninyo ang Abu Sayyaf by whatever means,.”
Ito ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines matapos ang pagbisita kahapon sa Jolo, Sulu kung saan pinasabog ang Mount Carmel Cathedral.
Ayon sa pangulo, dapat nang pulbusin ang bandidong grupo sa kahit na anong uri ng pamamaraan.
May helicopter, eroplano, barko at kanyon ang militar na maaring gamitin laban sa ASG ayon kay Duterte.
Hindi na bale umanong maubos ang stock ng mga bala ng kanyon dahil bibili na lamang ng dagdag ang pamahalaan.
Pero utos ng pangulo sa militar, bago pasabugin ang teritoryo ng bandidong grupo, alisin muna ang mga sibilyan para matiyak na hindi madadamay sa operasyon.
Aakuin na rin ng pangulo ang gastusin at pagpapakain sa mga sibilyan na maapektuhan sa operasyon.
Iginiit pa ng pangulo na kapag may nakuhang teritoryo ang ASG sa Sulu kahit na isang isla lamang ay kapalpakan ito ng gobyerno.
Tungkulin aniya ng pamahalaan na protektahan ang taong bayan at panatilihin ang kaayusan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.