Sitwasyon sa Jolo, Sulu balik na sa normal ayon kay Rep. Jericho Nograles

By Erwin Aguilon January 29, 2019 - 12:22 PM

Photo from Rep. Jericho Nograles

Balik na sa normal ang sitwasyon sa Jolo, Sulu kasunod ng kambal na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral noong Linggo ng umaga.

Ayon kay PBA party-list at Sulu caretaker Rep. Jericho Nograles na hindi naka total lockdown ang Jolo.

Nagbukas na anya muli ang mga bangko, paaralan at iba pang negosyo roon.

Nanatili naman anyang nakakordon ang paligid ng Mt. Carmel Cathedral kung saan naganap ang magkasunod na pagsabog.

Limang buwan na anya ang banta sa pinasabog na simbahan kaya naka kordon na nag lugar noon pa naman.

Niluluwagan anya at hinihigpitan ang pagkordon sa paligid ng Mt. Carmel Cathedral depende sa nakakalap na intel report.

Paliwanag nito, sa kabila ng mga pagpapatupad ng seguridad ay nangyari pa rin ang pagpapasabog.

Dahil dito, hinikayat ng mambabatas ang publiko ba hayaan ang mga imbestigador na gawin ang kanilang trabaho.

sa ngayon, sinabi ni Nograles na kaparehong security protocol ang ipinapatupad sa Jolo.

TAGS: Jolo Sulu, Radyo Inquirer, twin blasts, Jolo Sulu, Radyo Inquirer, twin blasts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.