5 pulis sugatan sa pamamaril sa Houston

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2019 - 10:53 AM

AP photo

Limang pulis sa Houston, Texas ang nasugatan sa shooting incident na naganap sa isang gusali.

Dalawa sa limang pulis ang kritikal ang kondisyon habang ang tatlo pa ay stable naman na ang kondisyon sa Memorial Hermann-Texas Medical Center.

Napatay naman ng mga otoridad ang suspek na namaril.

Hindi pa naman tukoy kung ano ang pinagmulan ng insidente.

Subalit sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang namaril ang suspek habang nasa isang gusali at tinarget ang mga otoridad.

TAGS: houston, Radyo Inquirer, Shooting Incident, houston, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.