Jobs Caravan isasagawa para sa mga BUILD BUILD BUILD program

Isang jobs caravan ang ikinasa ng pamahalaan para sa mga BUILD BUILD BUILD program ng gobyero.

Ayon sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr), sa February 9, 2019 araw ng sabado, isasagawa ang jobs caravan sa Subic Gymnasium sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.

Tinatayang aabot umano sa 70 exhibitors ang lalahok sa nasabing jobs caravan.

Ang nasabing mga exhibitor ay pawang contractors at private sector partners ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na bahagi ng BUILD BUILD BUILD program.

Read more...