WATCH: Mga nasa likod ng pagpapasabog sa Jolo, Sulu hindi pa nakalalabas ng lalawigan
Hindi pa nakalalabas ng Sulu ang mga miyembro ng Ajang Ajang Group ng Abu Sayyaf na nasa likod ng pagpapasabog sa simbahan sa Jolo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Col. Gerry Besana, may mga komunidad sa Sulu na pinagtataguan ang miyembro ng naturang grupo.
Sinabi ni Besana na simple at malinaw ang marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte at ito ay ang tugisin ang mga suspek sa pagpapasabog para maibigay ang hustisya sa mga nasawi at sugatan.
Umaasa naman si Besana na maibabalik sa normal ang sitwasyon sa komunidad ng Jolo.
Matapos kasi ang pagsabog, ramdam ang tensyon at kalungkutan ng mga residente sa lugar.
Bibihira aniya ang lumalabas ng bahay at sarado ang karamihan sa mga establisyimento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.