CBCP iginiit na hindi sila nanghihimasok sa usapin ng pulitika
Nilinaw ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang posisyon kaugnay sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa isang press briefing sa Maynila, sinabi ni CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo David na hindi nila kinakalaban ang pamahalaan at wala silang balak na manghimasok sa usaping pulitikal.
Paliwanag pa nila, batid nila ang matagal nang problema ng bansa sa iligal na droga na dapat nang masolusyunan sa pamamagitan ng konkretong aksyon.
Gayunman, sinabi ng CBCP na tutol sila sa mga pang abuso sa karapatang pantao lalo na sa mga pagpatay kaugnay sa kampanyang ito.
Partikular lang kasi umanong nagiging target ang mga small time pushers habang ang mga malalaking sindikato o drug lord ay nakakatakas at hindi napapanagot.
Dagdag pa ng CBCP, patuloy silang maninindigan para sa katotohanan at hindi magpapatinag kahit pa sa anumang banta.
Samantala, pagdating naman sa usapin ng pagpapbaba ng edad ng criminal liability, nanawagan ang CBCP sa mga mambabatas na pag isipan itong maigi at huwag madaliin.
Para kasi sa simbahan, mura pa ang edad na 9 at sa halip na ituring na kriminal kapag nagkamali, ay dapat kalinga ang ipgkaloob sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.