2 high school students arestado sa pagbebenta ng marijuana sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2019 - 08:16 AM

Arestado ang dalawang high school students sa Maynila dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Ikinasa ang buy-bust laban sa dalawang supek sa Tondo Maynila kung saan nakuha sa kanila ang isang kilo ng hinihinalang marijuana na tinatayang P15,000 ang halaga,

Ayon kay Supt. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Raxabago Police Station, lantaran ang ginagawang pagbebenta ng marijuana ng dalawang suspek na edad 18 at 17.

Kwento naman ng isa sa mga suspek, sa Divisoria niya kinukuha ang ilegal na droga na kapwa estudyante din niya ang nagbebenta sa kaniya.

Sa pamamagitan aniya ng chat sila nag-uusap at saka magkikita sa mapagkakasunduang lugar.

Ikinulong na ang 18 anyos na binata habang dadalhin sa DSWD ang 17-anyos na suspek.

TAGS: 2 students arrested, Marijuana, Radyo Inquirer, 2 students arrested, Marijuana, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.