Naganap ang engkwentro, Martes (Jan. 29) ng alas 3:00 ng madaling araw sa Barangay Dayapan.
Ayon kay Sr. Supt. Edwin Quilates, direktor ng Batangas Police, nagpaputok ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo nang makita nila ang mobile patrol sa checkpoint sa Balayan.
Dahil dito, agad inalerto ng mga otoridad ang iba pang kasamahan na nakabantay sa checkpoint sa mga kalapit na bayan.
At nang mamataan ang mga suspek sa checkpoint sa Lemery ay pinara ang mga ito, subalit sa halip na huminto ay pinaharurot pa ang motorsiklo.
Agad silang hinabol ng mga pulis dahilan para mauwi sa engkwentro ang insidente.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 na baril, isang silencer at isang ingram.
Hinala ng mga otoridad, ang mga suspek ay posibleng sangkot sa pagpatay kay SPO1 Roderick Botavara sa Balayan noong Nobyembre 2018.
Base kasi sa intelligence report ng Batangas Police, mayroon pang tatlong pulis na itutumba ang grupo.