Tatlong hinihinalang miyembro ng gun for hire patay sa engkwentro sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2019 - 08:04 AM

Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa bayan ng Lemery sa Batangas.

Naganap ang engkwentro, Martes (Jan. 29) ng alas 3:00 ng madaling araw sa Barangay Dayapan.

Ayon kay Sr. Supt. Edwin Quilates, direktor ng Batangas Police, nagpaputok ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo nang makita nila ang mobile patrol sa checkpoint sa Balayan.

Dahil dito, agad inalerto ng mga otoridad ang iba pang kasamahan na nakabantay sa checkpoint sa mga kalapit na bayan.

At nang mamataan ang mga suspek sa checkpoint sa Lemery ay pinara ang mga ito, subalit sa halip na huminto ay pinaharurot pa ang motorsiklo.

Agad silang hinabol ng mga pulis dahilan para mauwi sa engkwentro ang insidente.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 na baril, isang silencer at isang ingram.

Hinala ng mga otoridad, ang mga suspek ay posibleng sangkot sa pagpatay kay SPO1 Roderick Botavara sa Balayan noong Nobyembre 2018.

Base kasi sa intelligence report ng Batangas Police, mayroon pang tatlong pulis na itutumba ang grupo.

TAGS: Balayan Batangas, encounter, Lemery, Balayan Batangas, encounter, Lemery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.