DND pagpapaliwanagin ng Malakanyang kung paano ginagamit ang intelligence fund

By Chona Yu January 29, 2019 - 07:56 AM

Pagpapaliwanagin ng Palasyo ng Malakanyang si Defense Secretary Delfin Lorenzana kung paano ginagastos ng kanilang hanay ang intelligence fund.

Pahayag ito ng palasyo matapos malusutan ang mga awtoridad at magkasunod na pinasabog ang mount carmel cathedral sa jolo, sulu kamakalawa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa palagay ng Palasyo, maayos naman na ginagastos ng DND ang intelligence funds.

Ayon kay Panelo, kahit gaano pa kahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng mga otoridad, tiyak na maghahanap ng paraan ang mga kalaban ng estado para lamang makapaghasik ng kaguluhan.

Matatandaan na noong 2018, humirit ang administrasyong duterte ng P4.12 billion na total intelligence funds mula sa P3.49 billion noong 2017.

TAGS: Defense Department, Jolo Sulu, Defense Department, Jolo Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.