3 patay sa magkahiwalay na engkwentro sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2019 - 07:50 AM

Police banner
Patay ang tatlong katao kabilang ang isang hinihinalang drug pusher sa magkahiwalay na engkwentro na naganap sa Bulacan, Lunes ng gabi.

Sa bayan ng Pulilan, nasawi ang suspek na si Rico Reyes at kaniyang kasamahan makaraang manlaban ang mga ito sa mga pulis na magsisilbi ng search warrant sa kanila sa Brgy. Santo Cristo.

Ayon kay Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Police Provincial Office, agad nagpaputok ng baril ang mga suspek laban sa mga parating na otoridad.

Ang dalawa ay kapwa suspek sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakuha sa lugar ang isang kalibre 45 na baril, isang kalibre 38 na baril at isang granada.

Samantala, patay din ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Calantipay sa bayan ng Baliwag.

Sinabi ni Supt. Voltaire Rivera ng Baliwag police, pinaputukan ng suspek na si Ariel Bunag ang pulis na kaniyang katransaksyon.

Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga pulis sa lugar.

Nagawa namang makatakas ng isa pang suspek na kasama ni Bunag, sakay ng motorsiklo.

TAGS: baliwag, Bulacan, encounter, pulilan, baliwag, Bulacan, encounter, pulilan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.