Pulis patay, 7 iba pa sugatan sa pagsabog na naganap sa North Cotabato

By Dona Dpminguez-Cargullo January 29, 2019 - 06:56 AM

Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang pitong iba pa matapos sumabog ang isang landmine sa bayan ng Magpet sa North Cotabato, Lunes (Jan. 28) ng tanghali.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Bernanrd Banac, isang PO1 Anadon na nagmamaneho ng isa sa mga sasakyan na bahagi ng convoy ang nasawi sa pag-atake.

Posible ayon sa PNP na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagpapasabog ng dalawang landmine na tinarget talaga ang convoy.

Dalawang sasakyan ang bahagi ng convoy ng Cotabato PNP Provincial Mobile Force na patungo sana sa Barangay Poblacion.

Matapos ang pagsabog ay nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga otoridad at mga hinihinalang rebelde na pinamumunuan ng isang Commander Alon.

Dinala na sa ospital sa Kidapawan City ang pitong nasugatan.

TAGS: landmine, North Cotabato, Radyo Inquirer, landmine, North Cotabato, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.