60 mga bahay nasunog sa Talayan, QC; 3 pang magkakahiwalay na insidente ng sunog sumiklab sa iba’t ibang lugar sa lungsod

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2019 - 06:20 AM

Credit: Jade Jesrael Eustaquio Niegas
Tinupok ng apoy ang magkakadikit na mga bahay sa Damayan Village, Brgy. Talayan, Riverside sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas 10:17 ng gabi na umabot sa ikaapat na alarma.

Tinatayang 60 ng bahay ang natupok ng apoy at 100 pamilya ang naapektuhan.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Sr. Supt. Jaime Ramirez base sa inisyal na imbestigasyon ay napabayaang gasera ang sanhi ng apoy.

Sa gitnang bahagi aniya ng residential area nagsimula ang sunog na mabilis kumalat.

Naideklarang under control ang sunog alas 12:47 ng madaling araw.

Samantala, tatlo pang magkakahiwalay na insidente ng sunog ang sumiklab sa iba pang lugar sa Quezon City sa nakalipas na magdamag.

Alas 7:49 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bahagi ng Sangandaan kanto ng Quirino Highway na mabilis din namang naapula makalipas lamang ang ilang minuto.

Sa Barangay Holy Spirit naman, alas 3:23 ng madaling araw nang magkaroon ng sunog na umabot ng unang alarma at naideklarang under control alas 3:26 ng umaga.

Samantala, alas 3:57 naman ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa Litex Road kanto ng IBP Road sa Barangay Payatas.

Umabot na sa ikatlong alarma ang naturang sunog kung saan naapektuhana ng mga bahay at hilera ng mga establisyemento.

Dahil sa nasabing sunog, naapektuhan ang mga bumibiyaheng sasakyan mula Rodriguez, Rizal at patungo ng Quezon City at pabalik.

TAGS: fire incident, ibp road, litex, quezon city, talayan village, fire incident, ibp road, litex, quezon city, talayan village

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.