Buong bansa apektado ng Amihan – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2019 - 06:18 AM

Sa lagay ng panahon, walang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA sa loob ng bansa o sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay Pagasa weather specialist Jomaila Garrido, ngayong araw, apektado na Hanging Amihan ang buong bansa.

Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Caraga, Davao Region, at ang mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may mahihinang pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap ang papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.

Dahil sa amihan, nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybayin ng Northern Luzon at sa eastern seaboards ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.