Pope Francis, hindi babaguhin ang celibacy rules ng mga pari

Ibinasura ni Pope Francis ang anumang pagkakataon na mabago ang alituntunin ng Simbahang Katolika na maging celibate o hindi mag-asawa ang mga pari.

Sa kanyang panayam sa mga mamamahayag sakay ng eroplanong pabalik sa Vatican mula Panama, sinabi ng Santo Papa na bukas siya sa posibilidad na pag-ordina sa matatandang ikinasal na pari.

Pero ito anya ay sa hindi pangkaraniwang pagkakaton sa liblib na mga lugar kung saan kulang ang mga pari.

Ayon sa Papa, ang celibacy ay regalo mula sa Diyos at tutol siya sa mga nagsasabi na dapat payagan ang optional celibacy.

Nilinaw ni Pope Francis na ang desisyon niya ay ayaw niya sa optional celibacy kahit sabihan pa siya na sarado ang isip.

Read more...