Miss Intercontinental runner-up na umanoy nanggaya kay Miss Universe Catriona Gray, nagsalita na

By Len Montaño January 28, 2019 - 09:53 PM

Nagsalita na si Ngan Anh Le Au, ang runner-up sa Miss Intercontinental mula Vietnam sa akusasyon na umanoy ginaya niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kanyang Facebook, nagpasalamat si Ngan sa mga tumulong sa kanyang makapasok sa top 5 ng Miss Intercontinental pageant na ginawa sa Pilipinas.

Ayon kay Miss Vietnam, naging memorable ang pagsali niya sa pageant sabay pasalamat sa organizers sa natutunang disiplina at nakamit na pangarap.

Pinasalamatan din nito ang mga kapwa kandidata sa pagkakataon na maging malapit sa kanila.

Gayundin ang suporta ng kanyang pamilya, mga mahal sa buhay at fans.

Si Ngan ay nag-train sa ilalim ng Filipino pageant camp na Kagandahan Flores na kanya ring pinasalamatan.

Bilang tugon sa isyu, pinasalamatan din ni Ngan ang kanyang bashers dahil naging positive minded umano siya dahil sa mga ibinatong negatibo laban sa kanya.

Nagpasalamat pa ang dalaga sa masasakit na salita na kanyang natanggap dahil ito umano ang nagpalakas sa kanya at ang dahilan para lalo niyang isusulong ang kanyang adbokasiya laban sa cyber-bullying.

Ang pahayag ni Ngan ay matapos itong umani ng batikos sa social media dahil sa paggaya umano kay Catriona partikular ang mga suot at galaw ng Filipina beauty queen.

TAGS: Catriona Gray, cyber bullying, Miss Intercontinental, Miss Intercontinental 2018, Miss Universe 2018, Ngan Anh Le Au, Catriona Gray, cyber bullying, Miss Intercontinental, Miss Intercontinental 2018, Miss Universe 2018, Ngan Anh Le Au

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.