Pacquiao, nagpasalamat sa suporta ng mga Pinoy sa laban kay Broner
Sa kanyang pagbabalik trabaho sa Senado, nagpasalamat si Senator Manny Pacquiao sa mga Pilipino at mga kapwa mambabatas sa suporta sa kanyang matagumpay na depensa sa kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title laban kay Adrien Broner.
Sa pamamagitan ng manifestation ay sinabi ni Pacquiao na malaking bagay sa kanya ang dasal, pagmamahal at suporta ng buong bansa.
Ito ang unang sesyon na dinaluhan ni Pacquiao matapos ang laban sa Las Vegas.
Ayon sa pambansang kamao, ang mga Pilipino ang kanyang inspirasyon sa kanyang paglaban sa ring.
Pinasalamatan din nito ang mga kapwa Senador sa suporta sa kanyang gawain sa labas ng Senado.
Samantala, masaya naman si Pacquiao na ipinagdiwang ng bansa ang National Bible Day kahapon January 28 o tuwing huling Lunes ng buwan ng Enero.
Si Pacquiao ang pangunahing may-akda ng naturang batas kaya masaya ito sa suporta ng mga kapwa mambabatas at ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.