CHR iimbestigahan ang pagsabog sa Sulu

By Len Montaño January 28, 2019 - 06:46 PM

Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa anila’y walang habas na pagpapasabog sa Jolo cathedral.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, mariin nilang kinokondena ang pagpapsabog sa Marian Catherdal of Our Lady of Mount Carmel sabay giit na walang lugar sa bansa ang karahasan.

Matagal na anyang mithiin ng mga Pilipino ang kapayapaan sa Mindanao kaya walang lugar ang karahasan lalo na sa mga lugar na nagsusulong ng kaayusan sa rehiyon sa pamamagitan ng Bangsamoro Organic Law plebiscite.

Ang insidente ay iimbestigahan ng joint team mula sa CHR Central Office, Investigation Office at CHR-Region 9.

Hinimok ng ahensya ang mga otoridad na arestuhin ang mga nagpasabog na ikinamatay ng 20 katao at ikinasugat ng 100 iba pa.

TAGS: Cathedral of Our Lady of Mount Carmel, CHR, Jolo, Jolo Blasts, Jolo twin blasts, Our Lady of Mount Carmel, pagsabog sa Jolo cathedral, Sulu, Cathedral of Our Lady of Mount Carmel, CHR, Jolo, Jolo Blasts, Jolo twin blasts, Our Lady of Mount Carmel, pagsabog sa Jolo cathedral, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.