LOOK: Anne Curtis, kinilig sa K-pop hairstyle ng mister na si Erwan Heussaff
Hindi naitago ng aktres na si Anne Curtis ang kanyang kilig at pagka-aliw sa bagong style ng buhok ng asawang si Erwan Heussaff.
Nakumbinse ni Anne ang mister na magkaroon ng Korean-inspired hairstyle.
Sa kanyang mga ibinihaging larawan ng asawa ay sinamahan ito ng mga kilig caption ng aktres.
Ayon kay Anne, sobrang gwapo ang asawa sa bagong estilo ng buhok nito kaya para siyang may high school crush.
Sa isang litrato ay may caption pa ito na likod pa lang ng asawa ay gwapo na.
Pinasalamatan ni Anne ang Koreanong komedyante na si Ryan Bang na nakumbinse nito si Erwan na magkaroon ng Kpop hairstyle.
Samantala, pabiro namang sinabihan ni Erwan ang misis na dahil pinagbigyan niya ito ay dapat ibigay ni Anne ang anumang gusto niya sa susunod na mga buwan.
Pero pag-amin ni Erwan, okay rin naman siya sa bagong buhok at masaya ang kanyang buhay dahil masaya ang kanyang asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.