Pope Francis, kinondena ang pagsabog sa Jolo cathedral

Mariing kinondena ni Pope Francis sa naganap na dalawang pagsabog sa loob ng Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ayon sa Santo Papa, ang umano’y “terrorist attack” ay target ang Christian community sa Pilipinas.

Pinagdasal din ng Santo Papa ang mga nasawi at nasugatan sa kaniyang Sunday blessing mula sa Panama.

Dagdag pa nito, humiling si Pope Francis ng kapayapaan at sa mga salarin na baguhin ang kanilang gawain para sa ligtas na pamumuhay ng mga Pilipino.

Read more...