Martial law sa Mindanao, epektibo pa rin – Malakanyang
Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na epektibo pa rin ang umiiral na Martial law sa Mindanao region.
Ito ay kahit naganap ang magkasunod na pagsbaog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kung walang Martial law, tiyak na mas lalaganap ang kaguluhan sa Mindanao region at mamanaig ang anarkiya o kawalan ng pamahalaan.
Inihalimbawa pa ni Panelo ang insidente sa Marawi City kung paano kinubkob ng teroristang Maute at ISIS ang siyudad.
“If there was no martial law there, then there would have been chaos and anarchy there. You see how they were able to take Marawi? There was no martial law then,” pahayag ni Panelo.
Isolated incident lamang aniya ang nangyari sa Sulu dahil isang beses pa lamang ang naganap na pagsabog matapos magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial law sa Mindanao noong May 2017.
“It’s effective but this incident is isolated, by the way. We’ll have to investigate how it happened,” ayon pa sa kalihim.
Aminado si Panelo na hindi kakayanin ng pamahalaan na pigilan ang lahat ng plano ng kalaban subalit maari namang makapaglatag ng hakbang para mapigilan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.