Bicam, muling gagawing prayoridad ang P50B sa national budget

By Len Montaño January 28, 2019 - 04:01 PM

Nagkasundo ang bicameral conference committee (bicam) sa 2019 national budget na muling gawing prayoridad ang ilang bahagi ng panukalang pondo na itinuring ng Senado na “institutional amendment” at hindi pork barrel funds.

Pansamantalang itinakda ng Senate-House bicam na i-reprioritize ang P50 bilyon mula sa kabuuang panukalang 2019 national budget na P3.8 trilyon.

Kokonsultahin ng bicam ang kanilang mga miyembro kung sapat na ang halaga para mapondohan ang hiling ng mga ahensya ng gobyerno.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng bicam kung anong programa na ang pondo ay babawasan o ire-realign.

Ayon kay Senate Finance committee chairperson Senadora Loren Legarda, hindi niya ikinukunsiderang pork barrel ang pondo basta ito ay hiniling ng ahensya.

Sinabi naman ni House appropriations chairperson Rep. Rolando Andaya Jr. na ang P50 bilyon ay “insertion of the institution.”

TAGS: 2019 national budget, Bicam, institutional amendment, Sen. Loren Legarda, Senado, 2019 national budget, Bicam, institutional amendment, Sen. Loren Legarda, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.