Cotto at Alvarez handa na para sa WBC Middleweight fight bukas

By Den Macaranas November 21, 2015 - 09:36 AM

Miguel-Cotto-Saul-Alvarez
ESPN photo

Kapwa pasok sa weight limit sina Puerto Rican Boxer Miguel Cotto at Mexican na si Saul “Canelo” Alvarez kaugnay sa kanilang bakbakan bukas para sa Middleweight championship ng World Boxing Council (WBC).

Si Miguel Cotto (44-4, 33KOs) ay may timbang na 153.7lbs samantalang si Saul Canelo Alvarez (45-1-1, 32KOs) naman ay 155lbs.

Medyo nahirapang magbawas ng timbang si Alvarez kaya kinakailangan pa niyang tumakbo ng ilang kilomentro bago ang actual na weigh-in na ginanap kanina sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

Sinabi ni Coach Freddie Roach na ipakikita ni Cotto ang bagong footwork at foot speed na ilang buwan din nilang pinag-aralan para sa bakbakan bukas.

Mas pinapaboran naman ng maraming boxing analysts ang 25-anyos na si Alvarez kumpara sa 35-anyos na si Cotto dahil mas mabilis at malaki raw ang katawan ng Mexican fighter.

May sure winnings na $15M si Cotto samantalang $5Million para sa challenger na si Alvarez.

TAGS: Alvarez, Cotto, Las Vegas, WBC, Alvarez, Cotto, Las Vegas, WBC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.