Aktibidad para sa National Bible Day isinagawa sa Taguig
Isang aktibidad ang idinaos ngayong araw sa Shangri-La Hotel sa The Fort, Taguig City kaugnay sa pagdiriwang ng National Bible Day.
Si Senator Manny Pacquiao na siyang author ng Republic Act Number 11163 na nagbigay daan para ideklara ang huling Lunes ng Enero kada taon bilang special working holiday para sa National Bible Day ang nanguna sa aktibidad.
Dinaluhan ito ni dating Sen. Juan ponce Enrile.
Bahagi ng aktibidad ang panel interview sa mga ilang personalidad mula sa iba’t ibang larangan gaya ng government leaders, business leaders, church social responsibility at entertainment industry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.