Cease & desist order inisyu sa 3 establisimento malapit sa Manila Bay

Naglabas na ng cease and desist order ang gobyerno sa tatlong establisimento na kasama sa nagpapadumi sa Manila Bay.

Inilabas ang kautusan dahil sa paglabag sa Clean Water Act ng Aristocrat Restaurant, Gloria Maris Shark’s Fin Restaurant at ang The Esplanade San Miguel by the bay.

Pinutol na rin ang supply ng tubig sa tatlong establisimento para matigil na ang pagtatapon ng “wastewater” sa Manila Bay.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) bagamat pinapayagan nilang mag-operate ang tatlong commercial establishment, posibleng sa mga susunod na araw ay iutos nila ang tuluyang pagpapasara sa mga ito.

Kaugnay nito, pinagpapaliwanag naman ang ilang mga establisimento at hinihingan ng agarang solusyon matapos bigyan ng abiso dahil sa paglabag sa Clean Water Act.

Kabilang dito ang :

• Aliw Inn
• SM Corporate Offices
• SM Prime Holdings, SM Mall of Asia
• Lola Taba & Lolo Pato (Seaside Commercial Spaces)
• SM Prime Holdings – SM Ferry Terminal (MOA complex)
• SMDC Residences Condominium

Nauna dito, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehabilitasyon ng Manila Bay kasabay ng pag-apruba sa P42.95 bilyon na budget na gugugulin para maipatupad ang proyekto na inaasahang tatagal ng tatlong taon.

Read more...