Labi ng Coast Guard personnel na nasawi sa pagsabog sa Sulu, ililipad na pa-Maynila

By Ricky Brozas January 28, 2019 - 11:15 AM

Ililipad pa-Maynila ang mga labi ng tauhan ng Philippine Coast Guard na kasamang namatay sa pagsabog sa Cathedral ng Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu kahapon.

Sinabi ni Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo, darating sa Maynila bukas ang mga labi ni Seaman Second Class Jaypee Galicha.

Kasama si Galicha ay kabilang sa tatlong K9 personnel na dumadalo sa misa sa Cathedral nang maganap ang pagsabog.

Ang dalawa pa ay sina PO3 Joeman Sanson at PO3 Paolo Isolana.

Mula Sulu, sasalubungin ang mga labi ni Galicha ng kaniyang mga kamaga-anak na dalawang pulis at isang tauhan din ng Coast Guard.

Ayon sa PCG, planong isakay sa C130-Plane ang mga labi no Galicha o di kaya ay sa private plane pa-NAIA.

Tubong Romblon si Galicha, binata at ulila na rin sa magulang.

TAGS: coast guard, Jolo Sulu, Radyo Inquirer, Seaman Second Class Jaypee Galicha, coast guard, Jolo Sulu, Radyo Inquirer, Seaman Second Class Jaypee Galicha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.