Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, sa mga nasugatan, 51 pa ang ginagamit sa mga ospital sa Sulu at Zamboanga City.
Binanggit din ni Besana na 20 ang opisyal na bilang ng nasawi base sa hawak na dato ng Joint Task Force Sulu.
Ani Besana, bago pa ang pagsabog noong Linggo, mahigpit ang seguridad na ipinaiiral sa Sulu.
Ito ay dahil na rin sa umiiral na martial law at dahil sa taas ng banta ng mga pag-atake sa lalawigan.
Sa ngayon sinabi ni Besana na sinisiyasat na ng mga otoridad ang na-recover na kopya ng CCTV sa naganap na pagsabog na maaring magamit sa ginagawang imbestigasyon.