WATCH: 51 sa mga nasugatan sa pagsabog sa Sulu nananatili sa mga pagamutan

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2019 - 10:43 AM

Limampu’t isang katao pa ang nananatili sa mga pagamutan matapos masagutan sa pagsabog sa simbahan sa Jolo, Sulu.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, sa mga nasugatan, 51 pa ang ginagamit sa mga ospital sa Sulu at Zamboanga City.

Binanggit din ni Besana na 20 ang opisyal na bilang ng nasawi base sa hawak na dato ng Joint Task Force Sulu.

Ani Besana, bago pa ang pagsabog noong Linggo, mahigpit ang seguridad na ipinaiiral sa Sulu.

Ito ay dahil na rin sa umiiral na martial law at dahil sa taas ng banta ng mga pag-atake sa lalawigan.

Sa ngayon sinabi ni Besana na sinisiyasat na ng mga otoridad ang na-recover na kopya ng CCTV sa naganap na pagsabog na maaring magamit sa ginagawang imbestigasyon.

TAGS: AFP, Jolo Cathedral, jolo sulu blasts, Radyo Inquirer, Westmincom, AFP, Jolo Cathedral, jolo sulu blasts, Radyo Inquirer, Westmincom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.