Full alert status itinaas sa Metro Manila kasunod ng pagsabog sa Jolo

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2019 - 09:59 AM

Nagtaas na ng alerto sa Metro Manila ang National Capital Region Police Office matapos ang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay NCRPO chief, Dir. Guillermo Eleazar sa ilalim ng full alert status, mas paiigitingin pa ang mga checkpoint, pagpapatrulya, at koordinasyon ng PNP sa Armed Forces of the Phillippines.

Inatasan din ang mga pulis na kanselahin ang kanilang leave of absence na nauna na nilang inihain.

Tiniyak naman ni Eleazar na gagawin ang lahat upang mapanatiling ligtas ang buong Metro Manila.

Hiniling din nito sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga otoridad kung may mapapansing kahina-hinalang bagay o indibidwal.

TAGS: full alert status, jolo sulu bombing, Metro Manila, Radyo Inquirer, full alert status, jolo sulu bombing, Metro Manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.