Preso sa Parañaque, patay matapos pagtulungang bugbugin ng tatlong kapwa bilanggo

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2019 - 09:51 AM

Patay ang isang preso sa detention cell ng Parañaque City Police station matapos gulpihin ng mga kapwa niya bilanggo.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD) nakilala ang biktima na si Benjie Baltazar, 23 anyos.

Kinilala naman ang mga suspoek na sina Richard Baylon, 39; Andrew Barba, 40; at Bemar Borja, 25.

Linggo ng gabi nang maganap ang insidente kung saan, agad isinugod ng naka-duty na jail officer ang biktima sa Ospital ng Parañaque.

Gayunman, alas 10:07 ng gabi nang ideklara itong dead on arrival sa naturang pagamutan dahil sa tindi ng tinamong pinsala sa katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: jail, paranaque police station, SPD, jail, paranaque police station, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.