Pepe Smith pumanaw na sa edad na 71

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2019 - 08:54 AM

Pumanaw na sa edad na 71 ang OPM Rock Legend na si Joseph William Feliciano Smith o mas kilala bilang Pepe Smith.

Dagsa ngayon sa social media ang pakikiramay at paghihinagpis sa pagpanaw ni Smith.

Marami rin ang nagpost ng pasasalamat sa kaniyang ambag sa larangan ng musika kabilang na ang MYX Philippines.

Ang sa kaniyang mga anak na si Sanya Smith, nag-post sa instagram ng larawan nilang mag-ama na walang caption maliban sa icon na “puso” at “ulap”.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ni Pepe Smith bilang bahagi ng Juan dela Cruz band ang “Balong Malalim, “Himig Natin” at “Beep Beep”.

TAGS: Juan Dela Cruz Band, Pepe Smith, Radyo Inquirer, Juan Dela Cruz Band, Pepe Smith, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.