Mister patay, misis sugatan sa bumaligtad na tricycle sa Sampaloc, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2019 - 08:33 AM

Contributed Photo

Patay ang isang tricycle driver habang sugatan ang kaniyang misis matapos sumalpok ang minamanehong tricycle sa puno sa center island ng Dimasalang cor Marzan Streets, Sampaloc Maynila.

Kinilala ng mga otoridad ang nasawi na si Noepe Bacdayan Lourdes, habang patuloy pang sinusubukang i-revive ang pasahero nito na kaniyang misis na si Maria Louisa De Manuel.

Naganap ang aksidente pasado alas 6:00 ng umaga habang binabagtas ng mga biktima ang Eastbound ng Dimasalang.

Ayon sa mga residente sa lugar mabilis ang takbo ng tricycle na napag-alamang service vehicle ng barangay at iniwasan nito ang dalawang maliliit na sako ng buhangin sa kalsada kaya bumaligtad.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: accident, manila, Radyo Inquirer, accident, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.