PUBLIC SERVICE: Water service interruption ng Maynilad sa Pasay at Parañaque

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2019 - 07:44 AM

Magsasagawa ng maintenance works ang Maynilad sa kanilang Villamor Pumping Station sa West Service Road sa Pasay City mula mamayang gabi.

Ang nasabing aktibidad ay magreresulta ng water service interruption sa ilang mga barangay sa Pasay at Parañaque.

Sa abiso ng Maynilad, simula mamayang alas 10:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga bukas, Jan. 29 mawawalan ng suplay ng tubig ang mga sumusunod na lugar:

PARAÑAQUE
– Merville
– Moonwalk
– Sun Valley

PASAY
– Barangays 181 to 185
– Barangay 201

Labinglimang oras namang mawawalan ng tubig ang iba pang bahagi ng Paranaque dahil sa nasabing aktibidad.

Mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang ala 1:00 ng hapon bukas, Jan. 29 ay mawawalan ng suplay ng tubig ang:

PARAÑAQUE
– BF Homes
– Don Bosco
– Marcelo Green Village
– San Antonio
– San Isidro
– San Martin de Porres

Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kailangan.

Maari ding ma-delay pa ang pagbabalik ng suplay depende sa taas ng isang lugar, layo nito sa pumping stations, at dami ng mga gumagamit ng tubig.

TAGS: manila water, Paranaque, Pasay, manila water, Paranaque, Pasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.