Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw na ito, January 28 na huling Lunes sa buwan ng Enero bilang special working holiday.
Sa ilalim ng Republic Act 11163 na nilagdaan ng pangulo noong Dec. 20, 2019, ang National Bible Day ay gugunitain tuwing huling Lunes ng Enero taun-taon.
Bagaman deklarang holiday, ang deklarasyon ng pangulo ay “working holiday” kaya mayroon pa ring pasok sa trabaho at paaralan ngayong araw.
Kabilang sa author ng nasabing batas ay sina Senators Manny Pacquiao at Joel Villanueva.
MOST READ
LATEST STORIES