Lockdown ipinatupad sa Jolo matapos ang pagsabog

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2019 - 06:42 AM

Nagpatupad ng lockdown sa buong bayan ng Jolo matapos ang magkasunod na pagsabog na naganap sa Mt. Carmel Cathedral.

Sa ilalim ng ipinatutupad na lockdown, simula ngayong araw, wala nang iba pang papayagang makapasok sa Jolo maliban lamang sa mga pulis, servicemen, at mga opisyal ng gobyerno.

Ngayong araw ay nakatakdang magtungo sa Jolo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito ay naghigpit na rin ng seguridad sa buong lalawigan ng Sulu at nagdagdag ng checkpoints.

Itinaas din ang alerto ng gma otoridad sa Isabela City at sa Lamitan City sa Basilan.

Habang sa Zamboaga City, sinabi ni Mayor Beng Climaco na nananatiling nasa heightened alert ang Joint Task Force Zamboaga at ang City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ito ay upang matiyak na walang magaganap na spill over ng insidente ng pagpapasabog sa Jolo, Sulu.

24-oras na naka-duty ang ZDRRMO at inatasan ding asistihan ang mga biktimang inililipat sa lungsod para malapatan ng lunas.

TAGS: Jolo Sulu, twin bombings, Jolo Sulu, twin bombings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.