Isa na namang oil price hike ang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong linggo.
Ayon sa oil industry sources papalo sa P0.50 hanggang P0.60 ang dagdag presyo sa bawat litro ng diesel at kerosene o gaas.
Ang gasolina naman ay may dagdag na P0.20 hanggang P0.30 kada litro.
Ito na ang ikaapat na sunod na linggong pagtaas sa presyo ng petrolyo ngayong January 2019.
Mula January 1, umabot na sa P5.60 ang iminahal ng presyo ng diesel, P4.54 sa gasolina habang P3.67 sa gaas.
Ang oil price hike ay kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.