Kagawad sa Maynila inireklamo ng pananakit sa menor de edad

By Rhommel Balasbas January 28, 2019 - 02:45 AM

Inireklamo ng pananakit ng isang 15-anyos na binata ang isang kagawad sa Sampaloc, Maynila.

Kwento ng binata, imbes na sawayin sa paglabag sa curfew, sinampal, kwinelyuhan at hinambalos umano siya ng batuta ng nasabing kagawad.

Galit ang mga magulang ng batang lalaki at iginiit na dapat ikinulong na lamang sa baranggay ang kanilang anak kung talagang lumabag sa batas.

Sa ngayon, ika-ika kung maglakad ang bata.

Ipinarating na ng mga magulang ang insidente sa pulisya ngunit pinayuhan ang mga ito na resolbahin muna ang sigalot sa baranggay.

Tumangging magbigay ng pahayag ang kagawad at ang baranggay tungkol sa insidente.

TAGS: Kagawad accused of hurting a minor, Radyo INQUIRER Metro, Sampaloc Manila, Kagawad accused of hurting a minor, Radyo INQUIRER Metro, Sampaloc Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.