Pagdinig para sa botohan sa mga malls, itinakda na

comelec bldgSa November 27 ganap na alas 10 ng umaga sa Palacio del Gobernador gaganapin ang public hearing para sa gagawing botohan sa mga shopping malls.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista, ito ay magiging bukas sa lahat ng mga partido at pati na rin sa publiko nang sa gayon ay marinig rin nila ang kanilang panig.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Senate Electoral Reforms Comittee Chairman Aquilino Pimentel III sa Comelec na huwag nang ipursige ang konsepto ng botohan sa mga malls dahil wala naman aniya itong legal na basehan.

Ani Pimentel, pinapayagan ng Omnibus Election Code ang pagsasagawa ng botohan sa pribadong lugar kung nasa sukdulan ang pangangailangan base sa sitwasyon.

Tinatayang nasa 2-milyong botante ang masasakop ng botohan sa shopping malls, lalo na ang mga persons with disabilities at mga senior citizens.

 

Read more...