VP Robredo, nagpahayag ng kalungkutan sa twin blasts sa Jolo

File Photo

Nagpahayag ng kalungkutan si Vice President Leni Robredo sa naganap na magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng hindi bababa sa 20 katao at ikinasugat ng halos 100 iba pa.

Sa isang panayam sa Cagayan de Oro City, sinabi ni Robredo na nangyari pa ang insidente sa panahon kung kailan umaasa ang lahat na matutuldukan na ang kaguluhan sa Mindanao.

Ang pagsabog sa Jolo ay naganap ilang araw lamang matapos ang plebisito sa Bangsamoro Organic Law at ang Sulu ay hindi sang-ayon dito.

Nanawagan si Robredo sa agarang hustisya para sa mga biktima ng pagsabog.

Umaasa si Robredo na hindi na mangyayari pa ulit ang kahalintulad na insidente dahil mang-eenganyo lamang ito sa iba pa na gayahin ito.

Samantala, bagaman suportado ang ratipikasyon ng BOL, nais ni Robredo na magkaroon ng puwang kung saan maipaaabot ang mga saloobin lalo ng mga taong may ayaw sa BOL.

Ang BOL anya ay tinitingnan niya bilang isa sa mga instrument para masolusyonan ang mga suliranin sa Mindanao.

Read more...