Nasa Plenary Assembly sa Maynila ang mga obispo nang matanggap ang balita tungkol sa pagsabog.
Mariing kinondena ng CBCP ang pangyayari na naganap ilang araw lamang matapos ang plebisito sa Bangsamoro Organic Law.
Nanawagan ang CBCP sa mga Kristiyano, Muslim at Indigenous People na nagnanais ng kapayapaan na magtulungan sa adbokasiya laban sa violent extremism.
Sa huli, nananalagin ang CBCP na ang mga relihiyon ng kapayapaan ay maging gabay para sa mas magandang kinabukasan ng mga mamamayan ng Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES