Twin blasts sa Jolo, mariing kinondena ng MILF
Kabilang ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mga kumondena sa naganap na pagsabog sa Jolo Cathedral Linggo ng umaga.
Sa pahayag na nailathala sa website ng grupo, sinabi ni MILF peace panel chairman Mohagher Iqbal na ang insidente ay isang criminal act na walang lugar sa lipunan.
Ito ay lalo pa’t nakatakda na sana anya na makamit ang bunga ng ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.
Noong January 21 ay naganap ang plebisito sa BOL na layong buoin ang bagong Bangsamoro Region.
Sinabi ni Iqbal na suportado ng MILF ang lahat ng hakbang para mapanagot ang mga nasa likod ng karahasan na ginawa pa sa loob ng isang lugar-sambahan.
Samantala, sinabi naman ni MILF chairman Al-Hajj Murad Ebrahim na iniimbestigahan din nila ang insidente.
Duda umano si Ebrahim na may kinalaman ito sa BOL plebiscite dahil natapos na ito.
Ang Sulu lamang ang tanging lalawigan na bumoto ng ‘no’ sa BOL sa lahat ng lalawigan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.