Pagbomba sa Jolo Cathedral isang kalapastanganan – Church leaders

By Rhommel Balasbas January 28, 2019 - 02:35 AM

Tinawag ng dalawang lider ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na ‘most heinous desecration’ o pinakamalalang uri ng kalapastangan ang naganap na pagsabog sa Jolo Cathedral.

Ayon kina Cardinal Orlando Quevedo at Archbishop Angelito Lampon, ang pangyayari ay isang satanic act na dapat ikondena ng mga relihiyon.

Parehong naitalaga sina Quevedo at Lampon sa Sulu.

Iginiit ng dalawang Church leaders na ang pag-atake ay naganap sa loob ng isang sagradong araw at panahon ng pagsamba.

Nananawagan sina Lampon at Quevedo ng hustisya para sa mga biktima.

Sinabi rin ng dalawa na ipinapanalangin nila ang mga nagdadalamhating pamilya.

Sa huling tala ng Provicial Regional Office- ARMM, 20 na ang nasasawi at 111 naman ang sugatan sa magkasunod na pagsabog.

TAGS: Apostolic Vicariate of Jolo, Archbishop Angelito Lampon, Cardinal Orlando Quevedo, Jolo twin blasts, Apostolic Vicariate of Jolo, Archbishop Angelito Lampon, Cardinal Orlando Quevedo, Jolo twin blasts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.