Daan-daang libong kabataan dumalo sa misa ni Pope Francis sa World Youth Day sa Panama

By Rhommel Balasbas January 28, 2019 - 01:11 AM

Associated Press

Pitong daang libong kabataan ang dumalo sa Banal na Misa na pinangunahan ni Pope Francis bilang pagtatapos ng selebrasyon ng World Youth Day sa Panama.

Sa kanyang homilya, aminado ang Santo Papa na nasugatan ang Simbahang Katolika sa lumalalang sex abuse crisis ng mga kaparian.

Hinimok ng lider ng Simbahang Katolika ang mga kabataan na dalhin sa kanilang mga pamilya at komunidad ang kanilang katatagan sa pananampalataya.

Giit ni Pope Francis, ang mga kabataan ay hindi ang kinabukasan kundi ang ‘kasalukuyan’ ng Diyos.

“Keep walking, keep living the faith and sharing it. And do not forget that you are not the tomorrow, you are not the ‘meantime’, you are the Now of God,” ayon sa Santo Papa.

Matapos ang misa, tumungo naman ang Santo Papa sa isang health facility ng Simbahan para sa mga pasyenteng may HIV-AIDS.

Sinundan naman ito ng isang vigil na dinaluhan ng 600,000 pilgrims kung saan hinimok ni Pope Francis ang mga kabataan na umiwas sa temptasyon ng online media.

Inanunsyo na rin ang susunod na venue ng World Youth Day 2022 at ito ay ang bansang Portugal.

Sa ngayon ay pabalik na ang Santo Papa sa Vatican.

TAGS: Panama WYD, pope francis, Portugal WYD 2022, World Youth Day 2019, Panama WYD, pope francis, Portugal WYD 2022, World Youth Day 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.