Lalaking nagpanggap na miyembro ng NPA, arestado sa pangingikil
Timbog ang isang lalaki na nagpanggap na miyembro ng New People’s Army para makapangikil sa isang magsasaka sa Naguilian, Isabela.
Ayon kay Isabela Police spokesperson Sr/Insp. Frances Littaua, nagpakilala ang suspek na ‘Ka-Frank’ sa kanyang bibiktimahing magsasaka.
Nagbanta umano ito na may mangyayaring masama sa pamilya ng magsasaka kung hindi magbibigay ng P150,000.
Dahil dito ay nagkasa ang pulisya ng entrapment operation kung saan natimbog ang suspek.
Nakuha mula rito ang isang granada at isang pakete ng marijuana.
Nahaharap ngayon ang suspek sa patong-pasong na kasong may kaugnayan sa robbery, Comelec gun ban at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.