Isang Abu Sayyaf leader, arestado sa Zamboanga City

By Kathleen Betina Aenlle November 21, 2015 - 07:40 AM

zamboanga-city
Inquirer infographics

Natimbog ng mga otoridad sa Zamboanga City si Mhadie Umangkat Sahirin, isa sa mga notorious na lider ng Abu Sayyaf na naka-base sa Basilan.

Ayon sa Chief of Staff ng Philippine Navy sa Western Mindanao na si Cmdr. Vincent Roy Trinidad, naganap ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Basilan court para sa kasong murder.

Ani Trinidad, si Umangkat ay isang lider ng mga militanteng grupong nasa likod ng mga pananambang at pagpapasabog laban sa mga pwersa ng gobyerno na nagbabantay sa ginagawang Basilan Circumferential Road.

Sila rin ang responsable sa pagsusunog ng mga construction equipment ng Provincial government.

Ayon kay Joint Task Group Basilan Commander Col. Rolando Bautista, maaaring nasa Zamboanga City si Umangkat para magsilbign spotter sa mga target na bombahin ng Abu Sayyaf.

Posible din aniyang may kaugnayan ang kaniyang presensya sa lugar sa sinabi ng Abu Sayyaf na target nilang atakehin sa kasagsagan ng APEC summit sa Maynila.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Zamboanga City, Abu Sayyaf, AFP, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.