M3.2 na lindol naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental kaninang alas-12:19 ng hatinggabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 89 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Governor Generoso.

May lalim na 37 kilometro ang pagyanig at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...