Pambato ng Vietnam sa Miss Intercontinental binabatikos sa panggagaya kay Catriona Gray

By Rhommel Balasbas January 28, 2019 - 12:01 AM

Patuloy na gumagawa ng ingay sa social media ang pambato ng Vietnam sa 47th Miss Intercontinental na si Ngan Anh Le Au.

Sa coronation night sa Mall of Asia Arena noong Sabado, red gown ang suot ni Miss Vietnam na halos kapareho ng Mayon gown ni Gray.

Bukod dito, napansin din ng pageant fans ang paraan ng paglalakad ni Miss Vietnam na may pagkakahalintulad din sa lava walk ng Miss Universe.

Pagkatapos ng kanyang lakad, hinawi rin ni Miss Vietnam ang kanyang buhok tulad ng ginawa ni Gray noong coronation ng Miss U.

Dahil dito, tinawag ng ilang netizens na isang ‘copycat’ ang pambato ng Vietnam.

Mayroon din namang iilan na ipinagtanggol si Ngan na anila ay kumuha lang ng inspirasyon sa Filipina beauty queen.

Itinanghal na fourth runner up si Miss Vietnam sa kompetisyon habang naiuwi naman ng pambato ng bansa na si Karen Gallman ang korona.

Si Gallman ang kauna-unahang Filipino na nag-uwi ng Miss Intercontinental title sa bansa.

TAGS: Miss Intercontinental 2018, Miss Universe Catriona Gray, Miss Vietnam, Ngan Anh Le Au, Miss Intercontinental 2018, Miss Universe Catriona Gray, Miss Vietnam, Ngan Anh Le Au

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.