PCG, nagpatupad ng mahigpit na seguridad sa Mindanao
Ipinag-utos sa lahat ng Philippine Coast Guard (PCG) units sa Mindanao ang mas pinaigting na seguridad sa lahat ng pantalan sa rehiyon.
Ito ay matapos maganap ang dalawang pagsabog sa kasagsagan ng misa sa Marian Cathedral ng Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu Linggo ng umaga.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PCG commandant Adm. Elson Hermogino na ito ay base sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na tiyakin ang istriktong implementasyon ng seguridad sa mga pantalan sa bahagi ng Mindanao.
Dagdag pa nito, laging maging handa at magbantay sa lahat ng oras.
Isang opisyal ng PCG ang kabilang sa mga nasawi na si Seama Second Class Jaypee Galicha habang dalawa naman ang sugatan na sina Petty Officer 3 Joemar Sanson at Petty Officer 3 Paolo Isolana.
Nakiisa rin ang PCG sa pagkondena sa anila’y “ruthless attack” sa mga dumalo sa misa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.